Pagsusumite ng samples ng mga COVID-19 positive, pinamamadali ng DOH sa mga testing laboratory

77

Pinamamadali ni Department of Health Secretary Francisco Duque III sa mga laboratoryo ang pagsusumite ng mga sample ng positibo sa COVID-19 upang agad na maisailalim sa whole genome sequencing.

Ayon kay Duque, ito ay upang malaman kung may local cases na tayo ngayon ng mas nakakahawang Omicron COVID-19 variant.

Iginiit din ni Duque na nakasalalay sa aksyon ng publiko sa mga susunod na linggo ang pagka-antala ng pagkalat ng Omicron sa bansa.


Bago niyan, sinabi kahapon ng kalihim na mas pipiliin niyang manatili muna sa Alert Level 2 ang buong bansa.

Facebook Comments