PAGSUSUNOG NG BASURA SA POZORRUBIO, MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL

Muling iginiit ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Pozorrubio ang pagbabawal sa pagsusunog ng kahit anong basura dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan.

Sa pag-iikot ng tanggapan sa Brgy. Rosario at Alipangpang, ilang residente ang nahuling nagsusunog ng basura sa mga kabahayan.

Inihayag ng tanggapan na maaaring magbayad ng multa o makulong ang sinomang mahuli na lumalabag sa ipinapapatupad na ordinansa alinsunod sa RA 8749 o ang Clean Air Act of 1999. Kabilang din sa paalala ng tanggapan ang wastong segregation ng basura mula sa mga nabubulok, di-nabubulok, recyclable at residual upang maayos na makolekta ng Waste Management Division ang mga basura sa mga kabahayan.

Hinimok ng tanggapan ang mga residente na magsilbing paalala sa pagsunod sa ordinansa ng bayan ang isinasagawang house-to-house visit sa mga barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments