Iminungkahi ng health authorities sa lalawigan ng Pangasinan ang pagsusuot ng face mask kasunod ng tumataas na kaso ng influenza-like illnesses ngayon.
Inihayag ni Dagupan City Health Officer Dra. Ophelia Rivera na posibleng ang dahilan ng naturang pagtaas ng mga nagkakaroon ng ubo at sipon ay maaaring dahil sa pabago-bagong panahon.
Nauna na ring sinabi ni Department of Health-Center for Health Development 1 Spokesperson Dr. Rheuel Bobis na , tumataas umano ang kaso ng mga influenza-like diseases tuwing tag-lamig.
Dahil dito, higit na inirerekomenda ang pagsusuot ng face mask upang maprotektahan ang sarili maging ang ibang tao sa posibleng banta ng naturang sakit.
Dagdag ng awtoridad, sakaling makaranas ng sintomas tulad ng mataas na lagnat, ubo at sipon ay magtungo na sa pinakamalapit na center o ospital para sa agarang lunas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments