Pagsusuot ng face mask, dapat ipatupad na lang sa indoor at pampublikong transportasyon

59

Para kay Senator-elect Robin Padilla, dapat ipatupad na lang ang pagsusuot ng facemask sa indoor o saradong mga lugar tulad sa loob ng mga establisyimento.

Bukod dito ay iginiit din ni Padilla na manatili ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong transportasyon.

Pero ayon kay Padilla, pagdating sa outdoor o mga bukas na lugar ay dapat bahala na ang sinuman na magdesisyon kung nais nya na magsuot pa rin ng face mask o hindi.


Ang pagsusuot ng face mask ay naging isyu makaraang ipag-utos ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi na obligado ang pagsusuot ng face mask sa lalawigan.

Hindi ito kinatigan ng Department of Justice (DOJ) dahil taliwas sa patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Facebook Comments