Pagsusuri sa istraktura ng gusali ng PGH, sisimulan na ng DPWH

Sisimulan na bukas ng DPWH ang pagsasagawa ng structural integrity test sa gusali o sa central block ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila matapos ang naganap na sunog.

Ayon kay Public Works Sec. Mark Villar, dalawang araw ang gagawin nilang pagsusuri sa gusali ng PGH na may layong matukoy kung maari pang gamitin ang gusali o kailangan nang magpatayo ng panibagong istraktura.

Samantala, kinumpirma ni PGH Medical Director Gerardo Legaspi na may mga nakita silang mga bitak sa bahagi ng gusali na nasunog.


Naghahanda na rin aniya sila ng alternatibong lugar sa PGH na maaring magsilbing operating room.

Nananatili namang sarado ang emergency room ng PGH.

Facebook Comments