Pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong nagugutom, aaralin ng Malacañang

Pag-aaralan ng pamahalaan ang pinakahuling resulta ng SWS survey kung saan nakasaad na dumami ang Pilipinong nagugutom.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ipinagtataka nila kung bakit marami pa ring Pilipino ang nagugutom gayong marami nang programa ang pamahalaan para tugunan ito partikular ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang dito ang Food Stamp Program kung saan isa’t kalahating milyong indibidwal ang binibigyan ng ₱3,000 kada buwan bilang food aid at ang Walang Gutom initiatives.

Dahil dito, aalamin ng Palasyo kung nasaang mga lugar ang mga Pilipinong nagsabing nakaranas sila ng gutom.

Batay sa latest SWS survey na isinagawa noong March 15-20, tumaas sa 27.2% ang antas ng gutom sa bansa na pinakamataas na naitala simula noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments