Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 3 rehiyon sa Visayas at Mindanao, kinumpirma ng DOH

124

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Partikular sa Regions 6, 7 at 11 na may pinakamataas na average ng COVID cases.

Ayon sa DOH, 87.35% ang itinaas sa kaso sa Visayas habang 164.72% na pagtaas sa Mindanao.


Kinumpirma rin ng DOH na sa ngayon ay nasa moderate risk na ang bed utilization sa naturang mga lugar.

Habang ang Intensive Care Unit (ICU) utilization ay nasa low-moderate risk.

Facebook Comments