Pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, isinisi sa mga pasaway na Pilipino

189

Isinisi ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga pasaway na Pilipino ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, tinanong nito si Duque kung bakit mataas pa rin ang mga kaso kahit marami nang bakunadong Pilipino.

Ayon kay Duque, karamihan kasi ay hindi nagsusuot ng face mask sa tamang paraan na posibleng dahilan ng kanilang pagkahawa.


Facebook Comments