Pagtakbo sa 2022 election ni Pangulong Duterte, suportado na ni Mayor Sara Duterte

249

Suportado na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagtakbo ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa bise-presidente para sa 2022 election.

Ito ay matapos ang naging pagdistansiya ni Mayor Sara sa pagtakbo ng pangulo sa eleksyon dahil sa iba’t ibang isyu sa kanilang pamilya.


Ayon kay Mayor Sara, napagkasunduan na nila ng Pangulo na sa kanilang karera sa pulitika ay ibibigay ang pinakamalakas na suporta sa tatakbong vice president.

Nabatid na una nang sinabi ni Mayor Sara na hindi niya susuportahan ang tandem ng ama at ni Senator Christopher “Bong” Go kasabay ng pagsabing hindi siya tatakbo ng pagkapangulo.

Tumanggi rin si Senator Go sa nominasyon para sa pagkapangulo sa 2022 election.

Facebook Comments