Pagtakbo sa pagkabise, “good idea” ayon kay Pangulong Duterte

Magandang ideya para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagkabise presidente sa 2022 elections.

Pero sinabi ni Pangulong Duterte, na ang trabaho lamang ng ikalawang mataas na posisyon sa bansa ay maghintay hanggang sa “malanta” ang presidente.

Muling iginiit ni pangulo ang problema ng ilegla na droga sa bansa.


Matatandaang sinabi na ng Pangulo na nais na niyang magretiro sa pulitika pagkatapos niyang bumaba sa pwesto sa susunod na taon, pero nilinaw ito ng Malacañang na sinabing walang sinabi ang pangulo na hindi na siya tatakbo.

Facebook Comments