Pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Robredo, binigyan na ng deadline ni Dating Senator Antonio Trillanes

Binigyan na ng deadline ni dating Senator Antonio Trillanes IV si Vice President Leni Robredo para sa paghahain nito ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections.

Ayon kay Trillanes, kung hindi tatanggapin ni Robredo ang hamon ay siya na mismo ang kukuha ng tsansa para kumatawan sa totoong oposisyon.

Bibigyan niya ito ng deadline hanggang alas-12:00 ng tanghali ng October 9.


Tinalo ni Robredo si Trillanes sa pagkandidatura noong 2016 vice presidential race na kamakailan lamang inihayag ang pagtakbo sa pagkapresidente kung hindi tatakbo si Robredo.

Isa rin ang senador sa nominees ng 1Sambayan para sa pagkapangulo.

Facebook Comments