Pagtangay ng flatscreen tv sa QC, nahulicam

Manila, Philippines – Nahulicam ang pagtangay ng flat screen TV mula sa isang bahay sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang lalaking kinilalang si Jonathan CaƱeba na palinga-linga habang naglalakad sa kalye.

Lumapit ang lalaki sa isang bahay at tila may kinausap bago magtungo sa isang compound.


Maya-maya, lumabas sa kalsada ang kausap ng suspek na nagsilbing lookout habang si CaƱeba ay pumasok sa target na katapat na compound.

Ayon kay Brgy. Old Balara Chairman Allan Franza ā€“ ilang sandali, lumabas ang suspek bitbit ang flat screen TV na nagkakahalaga ng mahigit 30-libong piso.

Patuloy ang pagtugis sa suspek at kasabwat nito na nahaharap sa kasong theft.
Nation

Facebook Comments