Pagtanggal kay Senator Pacquiao bilang pangulo ng PDP-Laban, fake news ayon sa partido

212

Hindi agenda ng Partido Demokratiko Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tanggalin si Senator Manny Pacquiao bilang pangulo ng partido, kasunod ng kanilang nalalapit na pulong na gaganapin sa ika-16 ng Hulyo.

Ang pulong ay inorganisa ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na Chairman din ng partido.


Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pinag-uusapan pa ang mga posibleng paksa para sa National Council Meeting at National Assembly na gaganapin naman sa ika-19 ng Hulyo.

Hindi naman masabi ng kalihim kung papalitan ni House Speaker Lord Allan Velasco si Pacquiao sa pwesto dahil wala pa ito sa plano.

Kung sa isyu naman ng pagdalo ng mga miyembro, inamin ni Nograles na hindi tiyak kung makaka-upo sa full-time capacity ang lahat ng incumbent PDP-Laban officials.

Kailangan pa kasing ratipikahan muna ito ng partido at pagbotohan.



Facebook Comments