Pagtanggal ng LRT-1 management ng mga empleyado sa gitna ng COVID-19 pandemic, hindi makatao ayon sa KMU

59

Tinawag ng Kilusang Mayo Uno na hindi makatao ang ginawang pagtanggal ng Light Rail Transit-1 management sa 170 na manggagawa nito.


Ayon kay Jerome Adonis, Secretary General ng KMU, karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay mga teller.

Sa ilalim ng automation process ng LRT, ang trabaho ng dalawa ay kaya ng gawin ng isang tao lamang.

Ikinalungkot ng KMU na ginawa ang tanggalan sa panahong may health crisis kung kailan kailangan ng tao ng makakain at mapagkukunan ng panggastos.

Sa gitna aniya ng isang matinding krisis pang-kalusugan at krisis pang-ekonomya mas pinili ng LRT management ang pagkamal ng tubo.

Facebook Comments