Pagtanggal sa ban ng mga nurse sa UK, welcome sa Trade Unions

62

Ikinatuwa ng Trade Unions at ng Trade Federation-8, the Educational, Hospital, Medical Institutions Federation ng Federation of Free Workers, ang naging pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin ang ban ng mga nurse sa United Kingdom o UK.

Ayon kay Federation of Free Workers President Atty. Sonny Matula, ipinarating sa kanya ni Manuel Payao, Chairperson ng grupo, ang magandang balita at sana umano ito na ang simula ng pagtanggal pa ng mga ban sa iba pang bansa, hindi lamang sa UK.


Ikinagalak din ng grupo ang ginawang endorsement ni Secretary Bello na mas dumami pa ang mga nurses na maaring makalabas ng bansa.

Dagdag pa ni Atty. Matula na mayroon 800,000 registered nurses sa bansa, pero nakatengga lamang at isinasakripisyo ang kanilang desente at magandang kinabukasan na kumita ng malaki sa ibang bansa.

Facebook Comments