
Binigyang-diin ni House prosecution aadviser and spokesperson Robert “Ace” Barbers na malinaw na paglabag sa Konstitusyon ang pagtanggap ng Cale88 Foods Corporation sa mga kompanya na sinasabing pag-aari ng China.
Ayon kay Barbers, ipinagbabawal ng ating saligang batas na tumanggap ang isang opisyal ng ating gobyerno ng pondo mula sa foreign countries, lalo na kung hindi klarong mayroong trade obligation o hindi kaya ay mayroong negosyo na itinayo.
Tinukoy ni Barbers na batay sa mga dokumento ay mayroong 47.5 percent share sa Cale88 Foods Corporation ang mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.
Giit ni Barbers, dapat itong isailalim sa malalimang imbestigasyon dahil maaring may implikasyon sa ating pambansang seguridad ang sinabi ni Senator Judge Risa Hontiveros na posibleng koneksyon ng Cale88 at Chinese government.
Batay sa mga dokumento at testimonya sa Impeachment Trial ng kinatawan ng Anti-Money Laundering Council ay lumabas na umaabot sa mahigit 319 million peso ang nairemit sa Cale88 mula sa mainland China at Hongkong.










