Pagtanggap ng isang resort sa Subic ng mga bisita mula sa NCR Plus bubble, iniimbestigahan na ng DOT

53

Inatasan ni Tourism Secretary Bernadette Puyat ang Department of Tourism (DOT) Region 3 na imbestigahan ang kumalat sa social media hinggil sa pagtanggap ng isang resort sa Subic, Zambales ng mga bisita mula sa NCR Plus bubble.

Sinabi ni Puyat na extended hanggang sa May 14 ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal.

Nangangahulugan aniya ito na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang non-essential travels papasok at mula sa NCR Plus bubble.


Pinagsusumite rin ng investigation report ang DOT Region 3 hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments