Pagtanggi sa financial aid na galing sa European Union, hindi ideya ni Pangulong Duterte

129

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi galing sa kanya ang ideya ng pagtanggi sa financial aid na galing sa European Union.

Sa kanyang talumpati sa Davao City – sinabi ng Pangulo na galing kay Finance Sec. Carlos Dominguez III ang desisyon na hindi tatanggapin ang nasabing tulong.

Kapalit kasi nito anya ang layunin sa pagpo-promote ng human rights at law and order sa bansa.

Matatandaan, nagalit ang Pangulo sa ginawang panghihimasok ng EU sa internal affairs ng bansa lalo na sa war on drugs ng pamahalaan.
DZXL558

Facebook Comments