Pagtataboy ng Chinese vessels sa teritoryo ng Pilipinas, dapat ipagpatuloy ng PCG at BFAR

76

Ikinatuwa at Pinuri ni Senator Risa Hontiveros ang Philippine Coast Guard (PCG), gayundin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagtaboy sa Chinese fishermen na ilegal na nangunguha ng giant clams o Taklobo sa ating teritoryo sa West Philippine Sea.

Punto ni Hontiveros, kung napaparusahan natin ang mga Pilipinong sumasali sa illegal trade ng Taklobo, ay dapat pati rin ang mga dayuhan.


Ayon kay Hontiveros, ang pagpapalayas ng PCG sa mga barko ng Tsina sa simpleng pag-tindig, ay patunay na kaya nating igiit ang ating karapatan, at kaya tayong ipagtanggol ng kapwa nating Pilipino.

Facebook Comments