Patuloy na isinusulong sa Ilocos Region sa pangunguna ng DOH Ilocos – Non-Communicable Diseases Unit ang usaping mental health sa pamamagitan ng Mental Health Program.
Nito lamang ay umarangkada ang programa sa lalawigan ng Ilocos Norte at La Union ang Mental Health and Psychosocial Support Training at Community-Based Mental Health – Katatagan Plus Training upang ibahagi ang iba’t-ibang mga nakapaloob na kaalaman ukol dito. Saklaw nito ang pagtataguyod pa ng mental health awareness na isa sa kinakaharap na krisis ngayon, at ang mga nararapat na pagtugon dito.
Mga kababaihan sa Ilocos Norte ang nanguna sa naturuang pagsasanay kung saan naibahagi sa mga ito ang psychosocial interventions, mental health and resilience-building, upang maging katuwang ang mga ito sa mga komunidad pagdating sa ganitong usapin.
Tinutukan ang kaalaman ukol sa coping mechanisms upang makamit ang mentally resilient, mentally healthy environment para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨