Pagtatalaga kay Aguirre bilang NAPOLCOM Commissioner, ikinadismaya ni Senator Hontiveros

326

Hindi akalain ni Senator Risa Hontiveros na mabibigyan na naman ng kapangyarihan si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Hontiveros, wala na siyang natitirang tiwala kay Aguirre dahil sa reputasyon nito sa mga nahawakan na pwesto at sa dami umano ng mga pinalusot.


Duda si Hontiveros na kaya ni Aguirre na paunlarin ang Philippine National Police (PNP) bilang bagong Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Nangangamba si Hontiveros na dahil sa appointment kay Aguirre ay baka lalo lang bumaba ang tiwala ng mamamayan sa PNP.

Diin ni Hontiveros, sana ay pumili si Pangulong Rodrigo Duterte ng mas karapat-dapat sa nabanggit na posisyon.

Facebook Comments