Pagtatalaga ng isang registered nurse sa bawat barangay, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Itinutulak ni House Assistant Majority Leader at Las Piñas Representative Camille Villar ang pagkakaroon ng isang registered nurse sa bawat barangay sa buong bansa.

Layunin ng House Bill 3312 o “A Nurse in Every Barangay Act of 2019” na matugunan ang problema ng unemployment sa mga nurses gayundin ay maihatid ang nararapat na health care services sa bansa.

Kung may mga registered nurses sa bawat barangay ay matuturuan ang mga tao sa tamang nutrisyon, kalinisan para makaiwas sa pagkalat ng sakit at iba pa tungkol sa pangangalaga ng kalusugan.


Sa ilalim ng panukala, ang mga kukuning nurses na magtatrabaho ay mayroong salary grade 15 salig na rin sa mandatory minimum entry level pay para sa isang government nurse sa ilalim ng Philippine Nursing Act of 2002 o Republic Act No. 9173.

Base umano sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) simula noong Enero, 201 tinatayang 300,000 unemployed nurses ang nasa bansa at inaasahang tataas pa ito sa mga sumunod na taon.

Samantala, inaabangan ngayong umaga ang pagsusumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa P4.1 trillion budget sa 2020 kung saan sa Huwebes ay uumpisahan na rin agad ang budget hearings.

Facebook Comments