
Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang umano’y pagtatambak ng mga basura sa tapat ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Davao City.
Kaugnay ito ng pagtatalaga umano ni Davao City Mayor Sebastian Duterte sa tapat ng tanggapan ng DENR bilang isa umano sa waste collection point, matapos suspendihin ng DENR ang operasyon ng New Carmen Sanitary Landfill.
Kabilang sa aalamin umano ng DILG ay kung may kapabayaan o paglabag sa environmental laws sa nasabing insidente.
Samantala, nauna naman nang sinabi ng Environmental Management Bureau, na nalabag ng nasabing insidente ang Solid Waste Management Act of 2000.
Facebook Comments










