Pagtatanggal sa pangalan ni Leyte Representative Veloso sa listahang ng narco-list, ipinag-utos ng Court of Appeals

92

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) na tanggalin na ang pangalan ni Leyte Representative Vicente Veloso III sa narco-list ng gobyerno.

Ito ay matapos panigan ng Special Eight Division ang petisyon for habeas data ng dating CA Justice.


Ayon sa CA, ipinapabasura na nito ang lahat ng dokumento, record at impormasyon na nakalagay ang pangalan ni Veloso.

Matatandaan na una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa si Veloso sa narco-politicians sa bansa.

Facebook Comments