
Isinusulong sa Senado ang pagtatatag ng Philippine Scam Prevention Center (PSPC) na magbibigay proteksyon sa mga Pilipino laban sa mga scammers at financial losses.
Sa Senate Bill 2924 na inihain ni Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairman Mark Villar, layunin na magkaroon ng isang dedicated government agency na tututok sa pagpapatupad ng mga batas na may kaugnayan sa online o digital fraud at mga reklamo sa financial-scamming activities.
Mapapasailalim ang PSPC ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na bubuuhin naman ng Department of Trade and Industry (DTI), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Telecommunications Commission (NTC), National Privacy Commission (NPC), financial institutions, telecommunication companies, online marketplaces, financial technology companies, at operators ng mga online o payment systems.
Magkakaroon din ng mga regional at local centers ng PSPC para matiyak ang accessibility at mabilis na pagtugon sa mga kaso ng digital fraud at online financial scams.
Partikular na tutulungan ng center ang mga kababayang naging biktima ng Anti-Financial Account Scamming Act (RA 12010) o “AFASA”, at Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).