PAGTATATAG NG MGA FIRE BRIGADE SA KOMUNIDAD SA SAN FABIAN, TARGET PALAKASIN NG BFP

Target palakasin ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Fabian ang pagtatag ng fire brigade sa komunidad sa bayan upang matiyak ang maagap na pagresponde sa mga insidente ng sunog.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay BFP San Fabian Spokesperson SFO2 Jayson Necida, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga opisyal ng barangay bilang mga frontliners sa naturang insidente.

Aniya, ipa-prayoridad ang naturang aksyon sa mga kabilang sa urban areas, lalo na at suliranin ang distansya ng mga ito sakaling maganap ang mga sunog sa ganitong lugar.

Hinimok nito ang mga residente ng San Fabian ang koordinasyon at partisipasyon ng bawat isa upang matugunan ang posibleng insidente ng pagsiklab sa mga lugar.

Samantala, nakapagtala lamang ng apat na bilang ng sunod ang tanggapan noong 2024, habang pagpasok ng 2025, naitala ang isang insidente sa bahagi ng. Brgy. Ambalangan Dalin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments