Mas tututukan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang kaayusan at kaligtasan sa mga kakalsadahan sa nasabing bayan. Alinsunod ito sa adhikaing mabawasan ang bilang ng mga road accidents base na rin sa inireport na datos ng himpilan ng pulisya.
Sa tala ng Mangaldan Police Station, tumaas ang naitalang kaso ng vehicular incidents kung saan mula sa 38 noong nakaraang taon, umabot ito sa 91 ngayong taon sa parehong panahon.
Iminungkahi ngayon ang pagpapatayo ng emergency command center upang mas agaran at epektibo ang magiging pagtugon ng mga pulisya sa mga ganitong uri ng insidente. Inaasahan ding mas maghihipit ang bayan pagdating sa pagpapatupad ng batas trapiko kasunod ng naganap na pulong sa pangunguna ng alkalde ng Mangaldan.
Samantala, bumaba naman ang kaso ng focus crimes sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨