Pagtatayo ng NLEX-SLEX Connector, sisimulan na!

88

Sisimulan na ang pagpapagawa ng Elevated Expressway na mag-uugnay sa Skyway at sa Harbor Link.

Ito’y matapos ang pormal na pagbibigay ng NLEX Corporation ng kontrata sa DMCI para walong kilometrong NLEX Connector.


Ito ang mag-uugnay sa Skyway Stage 3 sa bahagi ng P.U.P. Sta. Mesa, tatawid ito ng España sa Maynila at kokonekta sa ginagawang Caloocan Interchange.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nasa 35,000 motorista ang makikinabang sa proyekto kabilang ang mga cargo trucks.

Naniniwala ang kalihim na mapapaluwag nito ang daloy ng trapiko sa Maynila, Caloocan, Malabon at Navotas.

Inaasahang matatapos ang proyekto sa taong 2021.

Facebook Comments

From Advertisers