Binabantayan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang pagpapatupad ng pagtitipid ng enerhiya sa lahat ng kagamitan ng LGU upang matiyak ang maayos at episyenteng paggamit ng mga resources ng pamahalaan.
Sa nilagdaang kautusan, pinagtitibay ang pangangasiwa sa paggamit ng enerhiya at pagtitipid sa gastusin kasunod ng apektadong supply at presyo ng langis at enerhiya dulot ng sigalot sa Gitnang Silangan.
Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng tanggapan na limitahan ang paggamit ng mga air conditioner at magtipid sa paggamit ng sasakyan at kuryente ng LGU.
Isa rin sa kanilang babantayan ang pamamahala sa gastusin sa gasolina lalo na ngayong nagkakaroon ng pagtaas sa presyo sa kada litro nito.
Mahigpit umano ang kanilang pagbabantay upang matiyak na susunod ang lahat sa nasabing kautusan. Ang sinumang lalabag sa kautusan ay haharap sa karampatang parusa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










