Pagtiyak sa meat safety, responsibilidad ng lahat ayon sa DA

40

Ipinahayag ni Agriculture Secretary William Dar na ang kinakaharap ng bansa na banta ng African Swine Fever at Avian flu ay pare-parehong responsibilidad ng lahat.

Ayon sa kalihim, dapat ay gampanan ng bawat isa sa komunidad o antas lokalidad ang pagbabantay para masiguro ang food safety sa lahat ng oras.


Kasabay nito, hinamon ni Secretary Dar ang National Meat Inspection Service (NMIS) na pataasin ang kasalukuyang protocols nito sa food at meat safety.

Pinaalalahanan ni Dar ang mga frontliner sa pagsugpo sa mga sakit ng hayop na hindi dapat magpatinag at sa halip ay magsumikap na tapusin ang laban.

Dapat aniyang mapaigting ang ugnayan at pagtutulungan ng NMIS at Bureau of Animal Industry para tuldukan ang pamemeste ng African Swine Fever at Avian Flu.

Facebook Comments