Pagturok ng Pfizer-BioNTech vaccines sa Muntinlupa City, nagsimula na

Ngayong araw ay sinimulan na ang roll-out ng Pfizer-BioNTech vaccines sa lungsod ng Muntinlupa.

Target ng Muntinlupa City Health Office na gamitin ang Pfizer-BioNTech vaccines sa major vaccination sites hanggang May 18, dahil na rin sa sensitivity ng mga bakuna na kailangang magamit agad limang araw pagkatapos ng unpacking.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ng Muntinlupa Local Government na hindi tatanggapin ang mga walk-in sa major vaccination sites sa lungsod.


Sa mga nais magpabakuna ay kailangan munang magparehistro online sa MunCoVac o vaccine.muntinlupacity.gov.ph/muncovac.

Facebook Comments