Pagtutulungan ng DTI, Go Negosyo, at DA, palalakasin pa sa ilalim ng Marcos administration

Mas lalakas pa ang Public-Private Partnership sa pagitan ng Go Negosyo, DTI, at Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Marcos administration.

Ito ay matapos ang pagkakatalaga kay Joey Concepcion, bilang miyembro ng DTI-MSME Development Council.

Sinabi ito ni Concepcion dahil isinusulong pa ng gobyerno ang pagpapalakas sa hanay ng mga maliliit na negosyante sa bansa.


Sa Laging Handa briefing, binigyang diin ni Concepcion na susi sa pagtuloy na pagbubukas ng trabaho para sa mga Pilipino ang pagpapalakas ng hanay ng Micro Small at Medium Enterprises.

Upang maabot aniya ang lahat ng mga Pilipino sa bansa, kailangan na hindi lamang ang mga malalaking kumpaniya ang patuloy na lumalago.

Facebook Comments