Pagwagayway ng bandila sa Marawi City ngayong Independence Day, tuloy sa kabila ng kaguluhan

Manila, Philippines – Tuloy ang paggunita ng Independence Day sa Marawi City ngayong araw.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, iwawagayway ang watawat ng Pilipinas sa kapitolyo ng Marawi bilang paggunita sa ika-119 Araw ng Kalayaan.

Aniya, ang pagdiriwang ng araw ng kalayaan ay isang importanteng bagay na dapat hindi kinakalimutan.


Sinabi pa ni Padilla na sinisikap ng tropa ng pamahalaan na tapusin na ang gulo doon sa lalong madaling panahon.
DZXL558

Facebook Comments