Pahayag ng CPP-NPA-NDF na prayoridad nilang pabagsakin si PRRD, isang guni-guni – AFP

298

Isang guni-guni ang plano ni Communist Party of the Philippines – New Peoples Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) Chair Joma Sison na prayoridad nila ngayong 2019 ay pabagsakin ang Duterte Administration.

Ito ang direktang sinabi ni Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato.

Aniya, bukod sa guni-guni ay nananaginip rin daw si Sison sa kanyang mga pahayag.

Giit pa ni Detoyato, lahat ng aksyon ng CPP-NPA-NDF para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte ay kagagawan ni Sison.

Posible aniya hindi napapayuhan ng maayos si Joma Sison kaya ganito ang mga pahayag nito.

Ang pahayag ni Sison ay kaugnay sa kanyang official statement para pagsisimula ng taong 2019.

Facebook Comments