Pahayag ng isang kandidato patungkol sa single mothers, malinaw na paglabag sa Bawal Bastos Law

Ikinalugod ni House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera ang mabilis na aksyon ng Commission on Elections (Comelec) laban kay Pasig City congressional candidate Atty. Christian Sia.

Kaugnay ito sa pahayag ni Sia para sa mga nalulungkot na single mothers na nagkakaroon pa ng buwanang dalaw na pumila at magpalista para sumiping sa kanya minsan sa isang taon.

Giit ni Herrera, ang pahayag ni Sia ay malinaw na paglabag sa Safe Spaces Act o Republic Act No. 11313 na tinatawag ding Bawal Bastos Law.


Pinaalala ni Herrera na layunin ng batas na maging ligtas ang kapaligiran para sa mga kababaihan at iba pang grupo laban sa harassment at objectification at dapat na maging halimbawa sa pagsunod dito ang mga kandidato.

Kaisa rin si Herrera sa mensahe ni National Council for Solo Parents Inc., Secretary General Redd de Guzman na ang pahayag ni Sia ay hindi makatao at kawalan ng respeto sa solo mothers na hindi dapat gamitin ng mga politiko sa pagpapatawa.

Facebook Comments