Pahayag ni Atty. Edward Gialogo, counsel ni Pasig Mayoral Bet Sarah Discaya

“Wala pong naging paglabag o mali si Ginang Sarah Discaya na maaaring maging basehan ng anumang disqualification case laban sa kanya.

Si Ginang Discaya po ay isang dual citizen BY BIRTH. Ibig sabihin, siya ay itinuturing din na British citizen (maliban sa pagiging Filipino) dahil sya po ay nagkataong ipinanganak sa London nung panahon na Filipino OFW pa po ang kanyang mga magulang.

Sa ilalim po ng ating mga umiiral na batas, wala po siyang kailangang gawin pang ibang hakbang upang legal na makalahok sa May 12, 2025 elections bilang kandidato bago o matapos niyang mag file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Pinagtibay ng Supreme Court sa kasong Gana-Carait vs Comelec na maaaring makilahok sa halalan bilang kandidato
ang sinumang dual citizen by birth.

Amin pong hinihikayat si Mayor Vico Sotto na maglabas ng anumang katibayan sa sinasabi niyang paglabag diumano ni Sarah Discaya ng ating mga batas na aniya ay maaaring ika-disqualify nito sa mayoral race ng Pasig City.

Maraming salamat po.”

Facebook Comments