Pahayag ni Health Secretary Duque III na “blessing in disguise” ang COVID-19 pandemic, inalmahan ni Senator Ping Lacson

368

Inalmahan ni Senator Ping Lacson ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III na isang “blessing in disguise” ang kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Lacson, sinasamantala lamang ng ilang indibidwal ang krisis na dulot ng COVID-19 dahil sa mga anomalya sa healthcare system ng bansa gaya ng umanoy korapsyon sa PhilHealth.


Bukod pa aniya rito ang nangyaring “overpricing” sa mga Personal Protective Equipment (PPE) na ipinrocure ng gobyerno.

Ayon pa sa Senador, hindi pa nakikita sa ngayon ang pinakamalalang posibleng mangyari sa ating bansa pagdating sa kalusugan at sa ekonomiya.

Matatandaang sinabi ni Duque na maituturing na blessing in disguise ang pandemya dahil nakita rito ang mga kinakailangang baguhin sa kasalukuyang Universal Health Care Law.

Facebook Comments