Pahayag ni Rep. Arnolfo Teves na parte ng “script” ang pagpatay kay Degamo upang madiin siya, pinalagan ng DILG

Pinalagan ni Department of the Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos ang naging pahayag ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves.

Kasunod na rin ito ng sinabi ni Teves na ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay parte ng “sript” upang idiin siya.

Ngunit sabi ni Abalos, bahala si Teves sa kanyang iniisip pero malapit na nilang mahanap ang mastermind sa pagpatay kay Degamo.


Una na kasing inihayag ni Teves na may grupo sa gobyerno na gusto siyang itumba kaya hindi siya bumabalik ng bansa.

Pero sinabi ni Abalos na may batas hinggil dito ang Kamara na dapat sundin.

Pagtitiyak ng kalihim, susunod sila sa itinatakda ng batas.

Facebook Comments