
Bumuwelta ang Malacañang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte kahapon kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay matapos sabihin ni VP Sara ang “good luck” nang tanungin kung ano ang mensahe kay PBBM sa gitna ng umano’y isyu sa kalusugan nito.
Sa press briefing sa palasyo, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na maituturing itong iresponsable mula sa tanong at sagot.
Pinabulaanan naman ng Malacañang ang nga fake news na kumalat kung saan AI lamang daw ang pagdalo ng Pangulong Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan kahapon sa Bataan.
Samantala, maglulunsad ang PCO ng website kung saan maaaring mag-report ang netizens ng kanilang makikitang fake news.
Layon daw nitong mapanagot ang mga responsable sa pagpapakalat ng mga peke at malisyong balita at maharap sa kaukulang kaso.










