Pahinante ng truck, sugatan matapos barilin sa Malabon

53

Manila, Philippines – Sugatan ang isang pahinante ng truck matapos barilin sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Inooberbahan pa rin sa Tondo Medical Center ang biktimang si Arnel Mamaciard, 24-anyos.

Ayon kay PO2 Julius Mabazza ng Malaboon City Police, nakikipag-inuman noon ang biktima nang bigla siyang lapitan ng hindi nakilang suspek saka binaril sa mukha.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lang palayo sa crime scene ang suspek.

Onsehan sa iligal na droga ang tinitingnang motibo sa pamamaril.

Pag-amin ng kapatid ng biktima, gumagamit talaga ng shabu si Arnel at suma-sideline din sa pagbebenta ng droga habang nagtatrabahong pahinante ng truck.

DZXL558

Facebook Comments