PAIIGTINGIN | PNP, may binubuong bagong proyekto kontra riding in tandem criminals

Manila, Philippines – Inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na mayroon silang bagong binubuong proyekto o stratehiya para labanan ang riding in tandem criminals.

Sinabi nya na pagkatapos ng Barangay Election ay ilulunsad ang bagong proyektong ito.

Habang wala pa aniya ang bagong proyekto ipagpapatuloy ng PNP ang mas maigting na oplan sita, checkpoint operation at police visibility upang labanan ang mga riding in tandem criminals.


Sa kabila naman ng patuloy na pamamayagpag ng riding in tandem criminals bumaba aniya ng 50 porsyento ang riding in tandem incidents sa bansa.

Ito ay dahil aniya sa pagpapatrolya ng mga pulis, oplan sita at checkpoint operation.

Posible aniya bumaba pa ng bumaba ang insidente ng riding in tandem sa bansa kung mailulunsad ang bago nilang proyekto ito kontra riding in tandem na ayaw na munang idetalye ng PNP Chief.

Facebook Comments