PAKETE NG SHABU, NASABAT SA GINANG NA MAGDADALA NG PAGKAIN SA ASAWANG PDL SA DAGUPAN CITY

Nabisto sa isinagawang search procedure sa piitan sa Dagupan City ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa bag ng pagkain para sa isang person deprived of liberty (PDL).

Ayon sa pulisya, dinala ng asawa ng isang PDL ang naturang bag para sa kanyang asawang nakakulong noong hapon ng Nobyembre 1.

Habang iniinspeksyon ng mga tauhan ang laman ng dala ng babae, napansin nila ang isang pakete ng droga na nahulog mula sa papel na nasa loob ng bulsa ng bag.

Tinatayang nasa 0.02 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, na may halagang P136.

Dahil dito, inaresto ang ginang at nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments