Pakikipagkuwentuhan, bawal muna na sa mga empleyado ng LGU Kalibo sa oras ng lunch time

12

Kalibo, Aklan — Ipinagbabawal muna ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa lahat ng departamento na sakop ng LGU-Kalibo ang pakikipagkwentohan lalo na sa oras ng lunch time dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 sa probinsya ng Aklan. Ayon kay Terence Toriano, head ng MDRRMO mahalaga ang kooperasyon ng mga empleyado para na maiwasan ang pagkahawa ag pagkalat nito. Dahil dito, hinihikayat ang mga empleyado na magpahinga na lamang ng ilang minuto matapos kumain. Sa ngayon ang probinsya ng Aklan ay may 30 total confirmed cases, 5 active cases at 1 ang namatay.

Facebook Comments