Pakistani, kulong dahil sa pangmomolestiya ng isang binatilyong Pinoy sa Dubai

Dubai – Kulong ang isang Pakistani dahil sa pangmomolestiya sa isang binatilyong Pinoy sa Dubai.

Batay sa report ng Gulf News – pinatawan ng Dubai Court ng tatlong buwang pagkakakulong ang 26-years old na hindi pinangalanang pakistanin matapos nitong halikan at yakapin ang siyam na taong gulang na binatilyo.

Inamin naman ng suspek ang pangmomolestiya sa bata kung saan iginiit nito na isa lamang itong “brotherly kiss”.


Agad na ide-deport ang suspek matapos nitong mapagdusahan ang kanyang sentensya.
DZXL558

Facebook Comments