PAKULO NG ISANG PANGASINENSE KASAMA ANG KANYANG PAMANGKIN, KINAALIWAN ONLINE

Kung ikaw ay pamilyar sa anime character na si Nanami Kento galing sa isang anime series na “Jujutsu Kaizen”, maaaliw ka rin sa pakulo ni idol Timothy Bravo na tubong Basista, Pangasinan dahil sa kanyang effort at creativity sa pagsuot ng costume ng nasabing anime karakter.
Ayon sa kaniya, kukunin lamang ang card ng kaniyang pamangkin sa eskwelahan. Kwento niya, nagulat ang kanyang pamangkin at natuwa pati na rin ang mga guro dahil sa akala nila’y isa siyang foreigner. Mabuti na lang daw ay hindi siya itinakwil ng kaniyang pamangkin. Labis na ikinatuwa naman ng mga netizens ang kanyang paandar.
Karamihan sa ating mga kababayan ay Mahilig talaga sa anime kung kaya’t isa iyon sa naisip ni Timothy dahil siya ay nagcocosplay taong 2018 at marami na rin siyang anime characters na ginaya. |ifmnews

Facebook Comments