PAL, nanguna bilang world’s most improved air transport service ngayong taon

Nanguna ang flag carrier Philippine Airlines (PAL) sa listahan ng most improved air transport service providers sa mundo para sa taong 2019.

Ito ay base sa research firm na Skytrax.

Ikalawa sa PAL ang British Airways, kasunod ang Malaysia Airlines.


Pasok din sa top 5 ang Fiji Airways at Royal Brunei Airlines.

Ayon kay Skytrax – ang rankings ay base sa global rating at performance improvements ng mga airline.

Kinilala ang PAL sa pagpasok nito sa World’s Top 30 Airlines mula sa pagiging 49th noong 2018.

Samantala, ang Qatar Airways ay hinirang na best airline sa mundo habang ikalawa ang Singapore Airlines.

Facebook Comments