PAL, pinayuhan ang mga pasahero na i-check ang status ng flight

Pinayuhan ng Philippine Airlines ang mga biyahero na i-check ang status ng kanilang flight bago magtungo sa Airport.

Ito’y kasabay ng banta ng bagyong tisoy na inaasahang tatama sa Bicol Region.

Sa statement ng PAL, patuloy nilang binabantayan ang kilos at lawak ng bagyo.


Posibleng may makanselang mga flights o ma-a-adjust na schedule kung kinakailangan para sa kaligtasan na rin ng mga pasahero.

Para malaman ang flight status, pwedeng tawagan ang PAL Hotline (02) 8855-8888 o mag log on sa flight status page sa www.philippineairlines.com

Facebook Comments