PALAISIPAN | KZ Tandingan, nagsalita na matapos matanggal sa ‘singer 2018’ sa China

129

Manila, Philippines – Masaya pa rin si KZ Tandigan kahit natanggal siya sa
singing competition na ‘singer 2018’ sa China.

Huling ipinamalas ni KZ ang kanyang cover version ng kantang ‘royals’ ni
Lorde.

Ayon kay KZ, wala siyang pinagsisisihan dahil ibinigay niya ang buong
effort sa lahat ng kanyang performance.

Itinuturing niyang ‘the best’ ang kaniyang huling performance.

Pero aminado ang singer na palaisipan pa rin sa kanya bakit siya natanggal.

Tumagal si Tandingan ng apat na linggo sa kompetisyon.

Facebook Comments