PALALAWIGIN | PNR, planong dagdagan ang istasyon sa Caloocan-Makati

Manila, Philippines – Balak ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) na dagdagan ang istasyon ng bagong bukas na linyang Caloocan-Makati para makahimok pa ng mga pasahero.

Ayon kay Jo Geronimo, tagapagsalita ng PNR, posibleng palawigin hanggang sangandaan ang linya na kasalukuyang nagsisimula sa 10th Avenue, Caloocan City hanggang sa Dela Rosa, Makati City.

Sabi pa ni Geronimo, nagsasagawa rin sila ng pag-aaral para mas mapabuti ang serbisyo ng PNR.


Bukod sa mas pinahabang linya ay pinagpaplanuhan din na dagdagan ang mga tumatakbong tren na ngayon ay nasa 11.

Facebook Comments