Palasyo, binabati si Atty. Angeles kasunod ng appointment nito bilang bagong PCOO chief

166

Welcome sa Palasyo ang nominasyon ni Atty. Rose Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles bilang bagong mamumuno sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at PCOO Sec. Martin Andanar, hindi na bago si Atty. Angeles sa PCOO.

Si Angeles kasi ay dati nang nanilbihan sa PCOO noong unang taon ng Duterte administration bilang chief social media.


Kasunod nito, hangad ng Palasyo ang tagumpay para kay Atty. Angeles sa kaniyang latest assignment.

Matatandaang tinanggap na ni Angeles ang nominasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang PCOO.

Facebook Comments